T: Ano ang tawag sa kababaihan na kontra sa SONA ni Gloria?
S: AMASONA!
***
Naghihingalo ang tatay…
ANAK: Tatay, ano po ang gusto ninyo? Magpalibing o magpa-cremate?
TATAY: Ikaw na ang bahala, anak. I-surprise mo na lang ako.
***
Sa isang bus…
IGOROT: 'Yung kambing, baboy at tatlong manok ko, nakasakay ba?
KUNDOKTOR: Opo, sir. 'Yun pong pamasahe nila?
IGOROT: Singilin mo sila kung may pera sila!
(Makalipas ang limang oras…)
IGOROT: Para na! 'Yung kambing, baboy at tatlong manok ko?
KUNDOKTOR: Bumaba sila, sir. Wala raw pamasahe.
***
CHARLIE: Pare, kumusta na 'yung nililigawan mo?
MARLON: Meron na akong bagong prospect. Doktora siya. Kaya lang, manhid sa panliligaw ko.
CHARLIE: Anong klase bang doktora siya?
MARLON: Anesthesiologist.
***
SIR: Inday! Halika na rito! Bilis! Lumapit ka na sa akin!
INDAY: Sir, huwag po! Isusumbong ko kayo kay ma'am!
SIR: Ano naman ang isusumbong mo?
INDAY: Sasabihin ko kay ma'am na hindi kayo marunong humalik, panay yakap lang!
***
TIMOTEO: Bakit ganyan kang kumilos? Bading ka yata, eh!
RAMON: Bah! Pare, hindi ko gusto 'yang tabas ng dila mo, ah?!
TIMOTEO: Pasensya na pare kung napagdudahan kita… Hayaan mo, hindi na mauulit.
RAMON: Hindi, pare! Parang hinahamon mo na ako sa salita mo, eh… Gusto mo, lips-to-lips tayo, eh?! Tingnan natin kung sino ang unang bibigay!
***
MANUEL: Bakit 'yung airplane, pag umikot ang elise, umaangat sa lupa? 'Yung electric fan, hindi?
EMILIO: Tanga ka pala, eh! Kasi, 'yung electric fan, may kurdon. Pinipigilan kaya 'yun?!
***
MARUYA: Magpapahula po ako kung kailan ako magkaka-boyfriend.
MADAM VUHALA: Haller, iha?! Sa itsura mong 'yan?! Expect ka ng boyfriend?! Patawa ka?! Pinaiinit mo ang ulo ko!
***
BINATA: Alam mo, you're like the sun for two reasons.
DALAGA: Ha? Bakit?
BINATA: First, you brighten up my day. Second, you're hot.
DALAGA: Ang sweet naman! You're like the moon na!
BINATA: Ha?! Bakit?!
DALAGA: I want to see you tonight!
***
ELMO: Ano'ng tawag sa pagkaing dagat na nagsisimula sa letter 'C'?
RANDY: Calamares!
ELMO: Hindi!
RANDY: Hay, naku! Huwag mo nga akong pinagloloko! O, sige… ano?
ELMO: C-foods!
***
WALIS AIRLINES
Sakay na kayo sa lokal na eroplano!
Bago itong imbento!
Walang gasolina, walang piloto…
Walis Airlines, it's easy to ride, it's very fine!
Walang aircon pero presko! Walang usok, kasi, walang tambutso…
SAKAY NA!
***
T: Anong kanser ang nakukuha sa kape?
S: Breast cancer.
T: Bakit?
S: Kape-pindot, kape-pisil, kape-piga, kape-pihit.
***
Sa edad nating ito, ingat na lang tayo sa mga sakit ng mga tumatanda.
Kagaya mo, parang prone ka sa sakit na… OSTEO'PURO'SEX!
Nakakahawa raw 'yan! INGAT!
***
JUST A THOUGHT
Babaha pa kaya… kung beer ang ulan?
***
Minsan, ang sexlife ay parang Coke…ZERO!***
Ang pag-ibig ay parang imburnal…
Nakakatakot mahulog… At pag nahulog ka, it's either by accident or sadyang tanga ka lang talaga.***
Kapag ang vase, nahampas, mababasag. Idikit mo ng glue.
Kapag ang bayag, nahampas, didilaan ng bakla. Grabe! Sobrang tigas!***
Ang maglakad nang matulin, hinahabol ng baklang kerengkeng.***
Sabi nila, pag nakagat mong bigla ang dila mo, may nag-iisip sa 'yo.
Sana, makagat mo ang dila mo… para malaman mong naalala kita… maraming beses sana para mas masaya!
***
When you love someone, spare a little love for yourself. Enjoy other things around you and don't ever let your world REVOLVE around him/her.
Ano ka… EARTH?
Tapos, siya, SUN?
Sira pala kayo, eh!
***
Iiyak ka ba kapag namatay ako?
Kung bukas na 'yun… favor naman, o…
Pengeng alak…
Nate-tense ako, eh!
***
"Pagkatapos mo akong gahasain, pagsamantalahan, pinuhin at tadtarin… ngayon naman, iiyak ka?!" – SIBUYAS
***
"No matter how strong we hold on, still there comes a time that suddenly we fall…" – BUTIKI, nag-e-emote
***
PICK-UP LINES
"Geometry ba ang favorite subject mo? Kasi, kahit anong angle, ang cute mo…"
"Alam mo ba, scientist ako. At ikaw ang lab ko."
"Ano'ng height mo? Paano ka nagkasya sa puso ko?"
"Ang galing mo siguro sa puzzles. Kas, umaga pa lang, nabuo mo na ang araw ko."
"Hindi tayo tao… hindi tayo hayop… bagay tayo!"
"Troso ka ba? Ang sarap mong sibakin, eh!"
"Bangin ka ba? Nahulog kasi ako sa 'yo!"
"I'm a bee… can you be my honey?"
"My licensa ka ba? Coz you're driving me crazy!"
***
Minsan, mali tayo sa napili nating mahalin.
Nasaktan sa maling pagmamahal.
Umiyak sa maling dahilan.
At kung tatanungin mo ako… wala akong alam diyan.
Kasi, kagigising ko lang!
***
Nahihiya na 'ko sa 'yo…
Kasi, madalang kitang ma-text.
Busy kasi ako masyado.
Ikaw?
Bakit hindi mo 'ko tine-text?
Hindi ka ba nahihiya?
Artista pa ang nagte-text sa 'yo?!
***
Hindi naman ako WEBSITE…
Bakit kaya maraming nali-link sa 'kin?
***
Ang buhay ko ay parang isang masarap na sauce…
Maraming nakikisawsaw!
Tuesday, October 21, 2008
TAWA MUNA TAYO
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment